| Category: | Music | | Genre: | Alternative Rock | | Artist: | Yano |
Grabe... nakita ko itong compilation ng Yano with there self-titiled album like Yano & Tara for only 185 pesos. Sulit na 'no since si Mr. Dong Abay (Flipino's Perpekto) and Mr. Eric Gancio ay isa sa mga bayani ng music history na nagdala sa atin ng mga kantang mapapaisip ka.
Lumaki tayo sa mga kanta ng Yano, natatag sila noong 1993 at well napanganak naman siguro kayo ng maaga-aga. Ang mga kanta nilang may polital-social na tema ay kumikilatis sa ating pagkakilala sa Pilipinas at anu nga ba ang maging Pilipino. Magandang pakinggan sa mga malulubhang panahon ngayon ng sambayanang Pilipino. At ang katanungan at hinaing noon ay buhay na buhay at sa kasawiang palad walang kasagutan pa rin kahit ngayon. Haay...
Maaring hindi ka aware pero ang mga kanta tulad ng Banal na Aso, Santong Kabayo (anti-hipokrito) Coño ka p're (anti-elite), Trapo (anti-corrupt politicians) ay namuno rin sa airwaves natin o di kaya naghulma ng mga sikat na banda ngayon. To put it simply ang Yano noon ay parang Bamboo or Dicta License ngayon. Kung may impluwensya sila sa mga ito hindi ako magugulat.
Nakakapagdamdamin ang mga kanta maaring dahil sa tono, pero sa mga ginamit na imahen masasabi natin na isang materpiece ang mga kanta ng Yano. Pakingan maiigi ang titik o yung lyrics at mapapatanong ka dahil alam mo ang katotohanan at kapanahunan na isinisiwalat ngunit hindi lang doon natatapos. Ang mga kanta ng Yano ay magbibigay pag-asa upang susubukan hanapan ng sagot ang mga katanungan na nabuo.
Yung CD na nabili ko ay pareho ang art ng nagcompile ng Eraserheads Anthology. Kaya cover palang ng album ay sulit na sulit na.
Lahat lahat masasabi ko na ang Yano ay isang magandang banda na may timeless na katanugan at hamon sa ating pagkakilala natin sa ating sarili bilang isang indibidwal at pagkakilala natin sa ating sarili bilang isang lahi.
Muli aking hinahandog ang Yano, isang lumang banda na nagtatanong pa rin nang mahahalagang tanong all these years.
| |
|